Tayong mga kabataan, saan nga ba nating ihahatid itong ating inang bayan? Ano nga ba ang kailangan upang proteksyonan ang kalikasan? Kailan nga ba magkakaroon ng
disiplina ang mga kabataan pati na ang mamamayan?Pano nga ba natin papahalagahan ang ating kalikasan?
Ano nga ba ang kalikasan? ayon sa aking pagkakaalam, ito ay isa sa mga tumutulong sating pang araw-araw at sa lahat ng ating gagawin sila ay pwede nating takbuhan.dahil kapag mahal ang gulay at prutas tayo ay pwedeng magtanim ng gulay at prutas dahil sila ay nag bibigay ng prutas at gulay,kapag ika'y walang pangbili ng semento pwedeng pwede ka kumuha ng kawayan o nipa,dahil sila ren ang tutulong sayo . Pwede mong gamitin ang kawayan o nipa sa pagtatayo ng bahay katulad ng Bahay kubo.
Sabi nga nila na tayong mga kabataan ang makapagliligtas sa ating kalikasan. sa pamamagitan ng disiplina sa sarili, at ang pinaka mahalaga ay sa pagsasapuso sa pangangalaga ng kalikasan. Pero bakit kaya lagi na lang may baha o iba pang klase ng
trahedya.... Halika't alamin natin.......
Pano nga ba natin maiiwasan ang baha? simple lang, sabi nga nila na ang kalikasan ang pwedeng pwede mong takbuhan.Pero iba na ngayon meron na itong daluyan na ng tubig tinatawag nila itong "kanal", pero pano kung ito ay barado. isyempre kalikasan nanaman ang ating maasahan, ang puno ang sisipsip sa mga tubig.
bakit kaya tayo binabaha? Paano karamihan ng mga mamayan pati na mga kabataan ay hindi marunong magtapon ng sarili nating basura,pati na ang mga patubo palang bulaklak ay pinag lalaruan na! kaya tayong mga kabataan dapat ng umaksyon na ngayon. sana balang araw ay malagpasan narin natin ang mga baha o
aberya sa kalikasan.
OW_2EF
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento