http://www.panaynewsphilippines.com/index.php?option=com_content&view=article&id=89:iloilo-city-epal-capital&catid=39:iloilo&Itemid=13 |
Ang premature campaign ay ang pag pangu-ngumpanya ng maaga bago pa ang tamang panahon oh ang eksaktong araw kung kalian na pwedeng mangumpanya. Sa panahon naten ngayon masyado ng maaga mangumpanya ang mga tatakbong senator at kung ano pa man sa ateng bayan ngayon. Nakaka-kita agad tayo ng advertisement ng mga tatakbong Mayor sa kanilang bayan sa mga telibisyon, ganon na din sa radio. Pag nag lalakad tayo sa isang lugar nakaka kita agad tayo ng mga mukha ng mga tatakbo sa isang bayan na naka printa ang mukha na nila sa isang papel. Marami na din tayong nakikita na nag lalakihang billboard ng mga senador pag sinasag-sag natin ang daan na south Luzon express way.
Kaya si Miriam Defensor- Santiago ay gagawa ng isang bill na ipag babawal ang maagang pangu-ngumpanya. Ang tawag sa bill na ito ay “Anti Epal Bill”. Ayon dito na bawal angkinin ng isang taong nasa senado kung ang gamit mo namang pera ay ang pera ng taong bayan. Nakasaad dito na pag nilabag mo ito maari kang makulong ng anim na buwan oh isang taon at mahigit. Kaya nakipag ugnayan sila sa Metropolitan Manila Development Authority oh mas alam naten na MMDA ay bibigyan sila ng tatlong buwan para kunin at tangalin ang mga naka paskil na mga mukha na tatakbo na lumabag sa bill na ito. At ang mga lokal na government ay inuutusan na gawin ang Anti Epal Bill.
Kaya napapatanong ako sa sarili kung baket kailangan pa nila gumastos ng malaki para lang iboto sila ng mga taong bayan. Nasa sarili mo naman ang gawa kung maganda ba ang pamamalakad mo sa iyong lugar kaya nagustuhan ng taong bayan ang iyong pamamalakad at gusto ka ulet manalo sa susunod na termino.
OW_3HF
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento