Hindi lamang ang Pilipinas ang may problema sa pagpapatupad ng mga batas para maprotektahan ang kalikasan kundi maraming bansa sa Asia-Pacific region. May batas para mapangalagaan ang kalikasan subalit hindi ito maipatupad. At ang dahilan ay ang corruption at ang masyadong pamumulitika.
http://www.google.com.ph |
Dito na lamang sa Pilipinas ay maraming batas na ginawa para maprotektahan ang kalikasan pero hindi naipatutupad. Isa na rito ang Clean Air Act of 1999 na hanggang ngayon ay wala pang napapakinabang ang sambayanan.
http://www.google.com.ph |
Marumi pa rin ang hangin at pumapatay nang marahan. Imagine, bago naging batas ang Clean Air Act ay maraming pagdedebate ang nangyari at maraming nagastos ang pamahalaan at mauuwi lamang sa wala. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang pagbubuga nang nakalalasong usok ng mga karagdagan na sasakyan at ang pag-operate ng mga incinerators. Ipinagbabawal ang paggamit ng incinerators at mga lumang makina pero hindi ito naipasusunod.
Patuloy din naman ang pagsusunog ng mga basura at ganun din ang pagkakaingin. Hindi nasusunod ang batas kaya naman malubha na ang problema sa air at water pollution.
Sabi ng Pilipinong abogado na dumalo sa environmental conference, mayroong 200 environmental laws ang Pilipinas subalit ni one percent ay hindi naipapatupad. Kailan kaya maipatutupad ang mga ito para mailigtas ang kalikasan?
OW_3EF
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento