Huwebes, Setyembre 13, 2012

Pagmamahal sa bayan at hindi sa KABAN ng bayan



http://www.google.com.ph/imgres?num=10&hl=en&biw=1024&bih=463&tbm=isch&tbnid=iaiYPTwp--HXXM:&imgrefurl=http://adanakar.blogspot.com/2012/03/existence.html&docid=YPMQgj7UNEB75M&imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhDJHEICfqDb4zJmOtWQQqizSi_i48_T-fDRWbDnO72smwHT9EPsJ0XxBLgo4xW7TjYXg8Xy3b_h9bw-FXmO_ivEk6VXPIt_RfXBjVaYfbdNssjp_fz7sa6VbkIdR_YkaanmfL-Ztpg49w/s400/corruption3.jpg&w=400&h=285&ei=a4tRUL2hFMrHrQfa0IC4Dg&zoom=1&iact=rc&dur=1&sig=105937271560460314919&page=1&tbnh=106&tbnw=141&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:2,s:0,i:80&tx=531&ty=195
     Isang taon pa bago maganap ang susunod na eleksyon. Ngunit karamihan sa mga pulitiko sa panahon ngayon ay tila nagpapakita na nang kanilang interes sa pagtakbo. iba't iba ang kanilang paraan at kanilang stratehiya. Ang iba'y sadyang pinapabango ang kanilang mga pangalan sa mga tao sa lipunan samantalang ang iba nama'y kanya kanyang post ng kani-kanilang mukha sa iba't ibang lugar. Hindi man nila sabihing kakandidato sila sa nalalapit na eleksyon, ito ang kanilang paraan upang makilala sila ng mga tao sa lipunan.
     Mahirap pigilin ang mga pulitiko na nasanay na sa ganitong gawain. Minsan pa nga'y sasabihin nila na wala naman silang masamang ginagawa. Maaring totoo na walang masama sa kanilang ginagawa, pero ang kanila bang intensyon ay maganda? Ilan sa mga tao sa ngayon ay tumutulong na lamang upang mapabango ang kanilang pangalan. Para mas makilala sila sa kanilang pagiging mabuting tao. Para maipagmalaki nila ang mga tulong na nagagawa nila para sa ibang tao. Hindi naman minamasama ang pag-tulong ng mga pulitiko sa ibang tao. Pero bakit pa nila kailangang ipagkalandakan na tumulong sila sa iba kung tunay ang kanilang adhikain sa kanilang pagtulong? Dapat tayong maging dedicated sa bawat bagay na ating ginagawa. Hindi dapat laging sarili lang ang ating iniisip. oo nga't ika'y nakatulong pero bukal ba sa iyong kalooban ang pagtulong na iyong ginagawa? Sadya bang gusto mo tumulong o gusto mo lang maging kilala? Masakit isipin na ang ilan sa mga nagtratrabaho sa gobyerno ngayon ay nais lamang kumita ng mas malaki at magnakaw sa kaban ng bayan kaya nangangampanya at natulong sa nangangailangan.
http://google.com/images
     Sa bawat araw na lumilipas, iba't ibang mukha ang aking nakikita sa iba't ibang lugar na aking pinupuntahan. Minsan tinanong ko ang aking sarili, Para saan ba ang kanilang ginagawa? Siguro kung hindi ipinagbabawal ang maagang pangangampanya, maaring may nakalagay na sa ilalim ng kanilang mga na, Iboto niyo ko sa magaganap na eleksyon sa susunod na taon. Ilagay natin ang ating sarili sa mga totoong bagay na nagaganap sa ating buhay, Nakatutulong ba ang mga posters na nilalagay nang mga pulitiko sa kahirapan ng buhay? Nakatutulong ba sa ating pag-unlad ang bawat pag-ngiting kanilang ginagawa sa harap ng ibang tao? Walang masama sa paglalagay ng kanilang mga mukha sa iba't ibang lugar. Para lang itong paniniwala sa mga salawikain. Pero sana bago nila ilagay ang kanilang mga larawan sa iba't ibang lugar isipin muna nila kung makakatulong ba sila sa tao sa kanilang paligid. Isipin nila ang mas mahahalagang bagay na kayang kaya nilang magawa upang makatulong sa pag-unlad ng kanilang lugar o ng buong bansa.
     Tignan natin ang ating bayan. Nakakamit ba nito ang pag-unlad tuwing gumagastos ang mga pulitiko para sa kanilang mga TV commercials? Nakakatulong ba sila sa mga mahihirap sa ating bansa sa tuwing Ipinapa-imprenta nila ang kanilang mukha at dinidikit sa iba't ibang lugar. Wala itong tulong naidudulot sa mga taong lubos na ang paghihirap sa ngayon. Maging mulat tayo sa katotohanang hindi lahat nang natulong ay nais lang talagang tumulong. Hindi naman lahat ng nagtratrabaho sa pamahalaan ay corrupt. Pero halos lahat sila ay iisa lang ang intensyon, ang kumita ng mas malaki para sakanilang mga sarili. Sana dumating ang panahon, na hindi na lamang puro sarili ang kanilang iniisip. Pag-mamahal sa bayan at hindi sa kaban ng bayan ang kailangan upang mapaunlad ang ating bansa. Pagmamahal sa nasasakupan at pagiging totoo sa taong bayan ang kailangan upang ating makamit ang tiwala ng sambayanan.

OW_4HF

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento