Gumawa ang Diyos ng daigdig na pinangalanan na Mundo.Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos upang,mapangalagaan natin ito.Binigyan niya tayo ng matitirhan,binigyan rin niya tayo ng katubigan upang,mapagkunan ng mapagkakakitaan tulad ng dagat na pinagkukunan ng mga isda,na maaaring mapagkunan ng puhunan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ito.
Marami talagang mga taong handang tumulong para sa bansa.Nagtitipun-tipon sila upang makabuo ng grupo na makakatulong sa bansa upang mapanatiling malinis ang bansa na kanilang tinitirhan,na mayroong advocacy na maipagtanggol at mapangalagaan ang kalikasan."Tinig ng Kabataan,Pag-asa ng Bayan"ang nagpapahiwatig na,kung magsasama-sama ang mga kabataan,matutulungan nila ang isang lugar at mahihikayat ang ibang mga kabataan na gawin rin nila,kung baga sila ay isang modelo na kailangang tularan.Sa ating isipan,ano ba talaga ang "Environmental Protection",ang Environmental Protection ay ang pagliligtas sa natitirang yaman ng bansa,upang makita ng susunod na henerasyon kung ano ang yaman noon. Kung ang bawat tao ay magkakaisa,sigurado akong maibabalik ulit ang dati.Magkaroon rin ng disiplina sa sarili,paano ba magagawa iyon?magagawa iyon kung pipilitin natin na,kung magpuputol ng puno ay mayroong itatanim ng panibago,huwag magtatapon ng basura upang maiwasan ang polusyon at maiwasan rin ang pagkakasakit.Palaging tandaan ang lahat ng maliliit na pirasong candy wrapper pagbumara nagreresulta ng pagbaha.
ow4_ef
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin