Huwebes, Setyembre 13, 2012

Pulitika: Makulay katulad ng buhay

http://m.abante.com.ph/issue/july2012/27op_edit.htm
       Bakit nga ba may mga maagang nangangampanya? Marami dahilan, una na diyan ay para makakuha ng mga boto pwede rin naman na makilala agad sila at sa ganon ay malaman ng bawat isa na mayroon siyang magandang magagawa sa ating bayan. Magandang paraan iyon dahil sabi nga nila "Talo ng maagap ang masikap". Ang pulitika dito sa ating bansa ay napakamakulay. Ang mga pulitiko ay gumagawa ng iba't ibang paraan para manalo sa mga halalan. Ngunit ano ba talaga ang magagawa ng maagang pangangampanya? Ano ang magiging epekto nito sa lahat ng mga botante?
        Sa darating na Mayo 2013 masasaksihan na naman natin ang isa sa pinakamahalagang araw sa ating bansa. Dahil muli nanamang magluluklok ang ating mga kababayan ng mga kandidatong mamumuno sa ating bansa. Madami nanaman ang mga commercial sa telebisyon. Malaki ang magiging epekto nito. Ang taong bayan ay maagang makakapamili ng mga taong dapat iboto.
       Ang maagang pangangampaya ay isa sa malaking usapin dito sa ating bansa. Madaming mga Senador ang bumabatikos dito dahil hindi daw nagiging patas sa ilang mga Senador. Hindi naman masama ang pangagampanya ng maaga ngunit madaming maapektuhan, una diyan ang mga botante. Sa nakaraang mga buwan ay naranasan ng ating bansa ang matinding sakuna. Malaking bagay nga ito para sa kanila sapagkat makikilala sila sa pagiging mabait at maramdamin sa kanilang mga kababayan. Ngunit isa nga lang ba itong taktika para makakuha ng boto? Isinusulong nga ngayon ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang Anti-Epal Bill. Ang batas na ito ay pipigil sa mga kandidatong maagang nangangampanya. Gusto kong maipasa ang batas na ito para maging patas sa lahat.
        Ang Premature campaign ay dapat maiwasan para sa ganoon ay maging patas ito sa lahat. Kailangang maipasa ang Anti-Epal Bill. Dahil ang may pusong kandidato ay hindi gagawa ng mga bagay na mali bagkus tutulong para mapaunlad ang isang bansa.


                                                                                                            OW_2EF

3 komento:

  1. Mali po yung nailagay ng kaklase ko.

    TumugonBurahin
  2. Casino games at the Wynn | DrmCD
    The casino 전라북도 출장샵 was closed for the holidays until the end of May, and reopened on 속초 출장마사지 the 양주 출장안마 same 남원 출장안마 day that the casino 광주광역 출장마사지 reopened. This is a complete breakdown

    TumugonBurahin