Huwebes, Setyembre 27, 2012

maymas titindi paba sa bagyong ondoy

MARAMING iminulat ang bagyong si Ondoy. Unang-una na ay ang pagiging handa sa pagda­ting ng kalamidad. Sa mga taong nasalanta, kara­mihan sa kanila ay nagsisisi kung bakit hindi agad sumunod sa babala na lisanin ang lugar. Maraming nag-akala na karaniwang baha lamang iyon. Nang lumalaki na ang tubig saka lamang nila lubusan na napagtanto na huli na ang lahat para kumilos. Kara­mihan sa mga nawalan ng mahal sa buhay ay sinisisi ang sarili kung bakit hindi naging handa at bina­lewala ang babala.
Isa rin si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando na namulat sa nangyaring kalamidad. Isang araw makaraan ang hagupit ni Ondoy, inangkin niya ang kasalanan sa nangyaring grabeng baha. Ang MMDA raw ang may responsibilidad sa paglilinis ng mga daanan ng tubig pero hindi nila gaanong nagampanan iyon dahil na rin sa hindi mapigil na pagsulpot ng mga naninini­rahan sa gilid ng estero at mga ilog. At sa dakong huli sinabi ni Fernando, na maaaring maulit pa uli ang mga pagbaha kapag hindi nakipagtulungan ang mama­ mayan. Ibig niyang sabihin, maiiwasan ang mga pagbaha kung wala nang maninirahan sa mga tabing ilog o mga pampang ng daanan ng tubig. Sabi pa ni Fernando, maaaring tayong lahat ay sisihin sa nang­yayaring pagbaha.
         Tama si Fernando na maaaring maulit ang pag­baha. Tiyak iyon sapagkat bukod sa hinaharangan ng mga barung-barong ang mga daanan ng tubig, doon din sila nagtatapon ng basura. Naging mala­king basurahan ang mga estero at kanal sa Metro Manila. Kahapon ay unti-unti nang humupa ang baha sa ilang lugar subalit sa Cainta at sa iba pang bayan sa Rizal ay nananatili pa rin ang tubig. Sa mga lugar na binaha, nakikita ang palatandaan kung bakit biglang-bigla at ayaw agad bumaba ang tubig — mga basu­rang plastic.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento